‘Bagong Pilipinas’ ni Marcos papalaguín ang agrikultura – Nazal
METRO MANILA, Philippines — Pinurì ni Magsasaka Party-list leader Robert Nazal ang “Bagong Pilipinas” campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Naniniwalâ si Nazal na sinsero ang mithiin ni Marcos na mapagbago at mapaunlád ang Pilipinas.
“The Bagong Pilipinas campaign under the leadership of PBBM signifies a bold step towards genuine progress and unity. It is heartening to witness a national initiative that transcends political boundaries and embraces a vision of inclusivity for all Filipinos,” sabi ni Nazal sa inilabás na pahayág.
Aniya, ang kampanyá ay higít pa sa pulítika dahil layunin nitó na harapín ang mga isyung panlipunan para maabót ang mithiin ng positibong pagbabago sa bansâ.
Isa aniya na ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura dahil napakahalaga nito sa ekonomiya.
“As the leader of Magsasaka Party-list, I appreciate the campaign’s focus on economic transformation, particularly in the agricultural sector. ‘Bagong Pilipinas’ recognizes the pivotal role of farmers and acknowledges the need for sustainable practices that will contribute to the overall development of our nation,” sabi pa ni Nazal.
Kasabáy nito na ang pangakò na susuporta at makikiisá sa mithiin ng bagong kampanyá para sa positibong pagbabago.
“I stand in solidarity with the ‘Bagong Pilipinas’ campaign and its mission to foster a renewed sense of pride and prosperity for every Filipino. Together, let us work towards building a stronger and more vibrant Philippines,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.