82 sa 32,000 na aid beneficiaries nagtapós na magna cum laude

PHOTO: Graduates in silhouette throwing their caps in the air. STORY: 82 sa 32,000 na aid beneficiaries nagtapós na magna cum laude
INQUIRER.net stock photo

METRO MANILA, Philippines — Mahigít sa 32,000 na dating benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang nakapagtapós na sa kolehiyo simulá noong 2016 hanggang nitong ika-30 ng Abril — at 82 ang magna cum laude, ayón sa pahayág nitóng Huwebes ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi pa ni Assistant Secretary Irene Dumlao na sa ibáng mga nagtapós may iba ring may parangál:

May 49 din ang nakakuha na matataás na iskor sa 6,000 graduate na pumasa sa ibat-ibáng board examinations at ang ilan ay mga engineers, teachers, architects at midwives.

BASAHIN: 4.4-M pamilyang Filipino pasok sa 4P’s cash aid ngayon taon

BASAHIN: Sen. Imee Marcos nais akitin mga kabataan sa agrikultura

Ikinasâ ang programa noong 2008 bago napagtibay noóng 2019 sa pamamagitan ng RA 11310.

Ayon kay Dumlao, layunin ng programa na mai-angát ang antás ng pamumuhay ng mga mahihirap sa pamamagitan ng mga programa sa edukasyon, kalusugan, at nutrisyon sa pamamagitan ng conditional cash transferr (CCT) sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.

Read more...