4.4-M pamilyang Filipino pasok sa 4P’s cash aid ngayon taon
Higit 4.4 milyong pamilyang Filipino ang benepisaryo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayon taon.
Sinabi ito ni Budget Sec. Amenah Pangandaman at aniya P106.3 bilyon ang inilaan sa naturang programa.
“This significant funding will greatly benefit millions of our kababayans who are in dire need. As directed by President Ferdinand R. Marcos, Jr., we will ensure that 4Ps under the Bagong Pilipinas will be provided with needed funding support as this program serves as a lifeline that bridges dreams to reality for many Filipinos,” ani Pangandaman.
Ang subsidiya para sa kalusugan sa naturang programa ay P750 kada buwan at P600 naman para sa bigas.
Samantalang ang subsidiya sa edukasyon ay P300 hanggang P700 kada buwan para sa higit pitong milyong estudyante.
Ang 4Ps ay alinsunod sa Republic Act No. 11310 at ito ay ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.