Navy: 125 na Chinese vessels nagkalat sa West Phililppine Sea
METRO MANILA, Philippines — Simulâ noong ika-28 ng Mayo 28 hanggang ika-3 ng Hunyo 3 umabót sa 125 na barkó ng China ang nagkalat sa ibat-ibá ng bahagì ng West Philippine Sea, ayon sa Philippine Navy.
Sinabi Commo. Roy Vincent Trinidad, ang tagapagsalitâ ng Navy para sa West Philippine Sea, ang mga kabiláng sa mga vessels ay ang sumusunód:
- siyam na China Coast Guard vessels
- 11 na People’s Liberation Army Navy ships
- 105 China China Maritime Militia vessels
BASAHIN: Resupply sa Ayungin tagumpáy kahit pa nakialám ang China – AFP
BASAHIN: Navy, Air Force tulóy WPS patrol sa gitnâ ng China fishing ban
Bago nitó, may 122 Chinese vessels ang namataán sa rehiyon.
Pinakamaramíng Chinese vessels ang nasa Bajo de Masinlioc (Scarborough Shoal), Ayungin Shoal, Sabina Shoal, at Pagasa Island.
Mababà lamang ng isa ang hulíng bilang na binanggít ni Trinidad kumpará sa naiulat noong Abril bago magsimulâ ang Balikatan exercises ng Pilipinas at Estados Unidos sa West Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.