METRO MANILA, Philippines — Naniniwalà si Interior Secretary Benhur Abalos na may sindikato na binubuô ng mga pulis at itó ang nasa likód ng pagdukot sa tatlóng Chinese at isang Malaysian noóng ika-2 ng Hunyo.
Iniharáp ni Abalos sa mga mamamahayag ang apát na pulis na naka-destino sa Pasay City at Makati City na naaresto dahil sa insidente ng kidnap-for-ransom.
Aniya, kabilang sa nahuli ay isang police major at 10 na sibilyan, na kasalukuyang hinahanap pa rin, ang mga kabilang sa mga hinihinalang utak ng sindikato.
BASAHIN: PNP: ‘Normal’ ang pagsipà sa 35 na sinusuring pulís sa Davao City
BASAHIN: 49 na pulís Bamban sinibák sa pwesto dahil sa ilegál na POGO
Pinangalan ni Abalos ang mga pulís na sina:
- Maj. Carlo Villanueva
- Senior Master Sgt. Angelito David
- Master Sgt. Ralph Tumangil
Modus aniya ng sindikato na manghuli ng mga banyagâ base sa mga pekeng kaso bago kokotongan ang mga itó ng pera.
Ayón kay Abalos, sa pinakahuling kaso, ang mga bíktima ay sakáy sa isang Lexus luxury sedan nang parahin ng mga suspek sa Taft Avenue dahil sa paglabg diumanó sa batás trápiko.
Ngunit dalawá sa mga biktima ang nakatakas at nakapagsumbóng sa mga awtoridad.
Mahaharáp ang mga suspek na pulis sa kasong kidnapping for ransom, robbery, at carnapping.