Robin Padilla sumukò sa trabaho sa PDP-Laban, nag-resign
METRO MANILA, Philippines — Nagbitiw na si Sen. Robin Padilla bilang executive vice president ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) subalit mananatiling miyembro siyá nitó.
Sa pahayag, kinumpirma ni Padilla na inihain niya ang kanyang irrevocable resignation nitong Lunes, ikaw-29 ng Mayo.
Ikinatwiran ng senador na nais niyang tutukan ang kanyang mandato bilang mambabatas kaya’t nagpasya itong magbitiw na sa tungkulin sa PDP-Laban.
Umaasa anya siya na ang kanyang desisyon ay para sa mas kapakinabangan at kabutihan ng PDP-Laban at sa lahat ng miyembro nito tungo sa kolektibong hangarin ng Partido – at higit sa lahat, sa mga mamamayang Pilipino.
Sa kanyang pagbibitiw, umaasa si Padilla na makapagtatalaga ang partido ng kanyang kapalit sa posisyon na mas makakatutok sa tungkulin.
Aminado ang senador na sadyang mabigat ang kanyang mandato sa taumbayan at alam niyang kailangan niyang bitiwan ang iba niyang pananagutan para sa mas epektibong pagganap sa sinumpaang tungkulin sa bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.