Sen. Robin Padilla nais mabago ang termino ng presidente at bise presidente ng bansa

By Jan Escosio December 15, 2023 - 02:45 PM

SENATE PRIB PHOTO

Naghain ng panukala si Senator Robinhood Padilla upang maamyendahan ang ilang probisyong pang-pulitikal sa Saligang  Batas.

Nakasaad sa Resolution of Both Houses No. 5 ang kagustuhan ni Padilla na mabago ang termino ng presidente at bise-presidente ng bansa.

Nais niya na hanggang apat na taon lamang ang termino ng dalawang pinakamataas na posisyon, ngunit kapwa maaring tumakbo muli para sa pangalawang katulad na haba ng termino.

Katuwiran ni Padilla kulang ang anim na taon para sa isang mahusay na pangulo at mahaba naman ito para sa isang kulang sa husay na punong ehekutibo.

“Kaya dapat sana, tutal naman sa mga dati nating Konstitusyon, four years yan at four years may reelection, bakit hindi natin subukan yan?” aniya.

Nais din ng senador na dagdagan ng 30 ang kasalukuyang senador at sila ay may termino na hanggang walong taon at maari muling mahalal.

Dagdag pa nito, dapat ay sabay-sabay ang mga halalan para may koordinasyon sa pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno.

TAGS: Cha-Cha, Robin Padilla, Cha-Cha, Robin Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.