Robin Padilla pinag-iisipan kung papayag magíng pangulò ng PDP

By Jan Escosio June 04, 2024 - 09:06 PM

PHOTO: Robin Padilla STORY: Robin Padilla pinag-iisipan kung papayag magíng pangulo ng PDP
Sen. Robin Padilla —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Nagkakaroón pa ng mga pag-uusap sa hanay ng mga opisyál at miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ukol sa planong iluklók si Sen. Robinhood Padilla bilang pangulò ng partido.

Si Padilla ang nagbahagì nitóng Martes sa isáng press conference.

“Magandáng posisyón yung ibinibigáy nilá. Salamat sa pagtitiwalà. Salamat kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa lahát pô ng bumubuô ng PDP. Pero siyempre itó pô ay nasa loób pa rin ng pag-uusap hanggáng ngayón,” aniya.

BASAHIN: Robin Padilla sumukò sa trabaho sa PDP-Laban, nag-resign

BASAHIN: Sen. Robin Padilla nais mabago ang termino ng presidente at bise presidente ng bansa

Sinabi ng senadór na may mga isyu siyá na nais niyáng malaman — kung anó ang posisyón ng kanyáng partido, gayundín kung anó namán ang inaasahan sa kanyá ng PDP.

Nilinaw din niyá na hindí niyá hiningî ang posisyón.

Idiniín niyá na kung sa kanyáng palagaáy ay makakabuti siyá sa partido at mas makakapagsilbí siyá sa mga kapwà Filipino tatanggapiín niyaá ang alók sa kanyá.

TAGS: Partido Demokratiko Pilipino, PDP presidency, Robin Padilla, Partido Demokratiko Pilipino, PDP presidency, Robin Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.