METRO MANILA, Philippines — Naglaán ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P4.3 na bilyón para sa inaalók na emergency loan sa kanilang mga miyembro at pensioner sa 17 lugar sa bansa na lubháng apektado ng El Niño.
Sa inilabás na pahayág ng GSIS nitóng Martés, mayroon itóng 185,107 members, kasama na ang mga old age at disability pensioners, sa Negros Oriental na kasama na ang Kabankalan City at sa Villadolid sa Negros Occidental na maaríng mag-apply para sa naturang emergency loan hanggáng sa ika-14 ng Hunyo.
Hanggang sa ika-15 ng Hunyo namán ang deadline ng mga nasa San Vicente, Palawan, at hanggáng ika-19 ng Hunyo ang mga nasa Carcar City at Compostela sa Cebu at at mga nasa Iloilo.
BASAHIN: GSIS naglaan ng halos P2.5-B para sa El Niño, pertussis emergency loan
BASAHIN: El Niño: Ayuda tiniyák ni Marcos na aabót sa buóng Pilipinas
Samantala, sa ika-21 ng Hunyo 21 namán ang deadline sa mga nasa susunod na mga lugar:
- Brooke’s Point sa Palawan
- San Agustin sa Romblon
- Bangsamoro Autonomous Region (Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte and Sur, Special Geographic Area),
- Quezon
- Pangantucan sa Bukidnon
- Tboli sa South Cotabato
Maaring kumuha ng loan na hanggang P40,000 ang mga miyembrong nagbabayad pa ng loan. Itó ay para maibawás sa halagá yung dati pa niláng utang at magkaroon silá ng neto na P20,000.
Yung mga wala namáng utang pa ay maaaríng makakuha ng hanggáng P20,000.