GSIS naglaan ng halos P2.5-B para sa El Niño, pertussis emergency loan

By Jan Escosio April 19, 2024 - 01:46 PM

Emergency loan alok ng GSIS para sa kanilang mga miyembro sa Cavite at Occidental Mindoro. (FILE PHOTO)

Inanunsiyo ng Government Service Insurance System (GSIS) ang paglalaan ng P2.5 bilyon para sa nais kumuha ng emergency loan kaugnay sa pertussis outbreak sa Cavite at epekto ng El Niño phenomenon sa Occidental Mindoro.

Ang mga kuwalipikado sa emergency loan ay mga aktibong miyembro na nakatira o nagta-trabaho sa mga apektadong lugar, hindi naka-leace, walang kinahaharap na kaso at nakapagbayad ng kontribusyon sa huling anim na buwan.

Hindi rin maaring mababa sa P5,000 ang kanilang suweldo alinsunod na rin ssa General Appropriations Act.

Samantala, ang old-age and disability pensioners sa  calamity areas ay maari din sa emergency loan basta may matitirang 25 porsiyento sa kanilang pensyon.

Ang pensioners at ang mga walang binabayarang emergency loan ay maaring maka-utang ng P20,000.

 

TAGS: emergency loan, GSIS, emergency loan, GSIS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.