‘Cooling-off period‘ sa divorce bill pinapalinaw ni Villanueva
METRO MANILA, Philippines — Nahihiwagaan si Sen. Joel Villanueva sa “60-day cooling off period” na probisyón sa isinusulong na divorce dill sa Kámara.
Sinabi ni Villanueva na hindí malinaw ang “60-day cooling off period” sa panukalà at isá itó sa mga dapat maipaliwanag ng mga mambabatas kung anó ang magagawâ nito sa diborsiyo.
Bukód dito, napuná rin ng senador na “pro-rich” pa ang panukalang pagkakaroón ng diborsiyo dahil waláng linaw kung paano kakayanin ng mga mahihirap ang pagbabayad sa proseso.
BASAHIN: Simbahan binatikos ang paglusót ng House divorce bill
BASAHIN: 131, hindi 126, ang bumotong pabór sa House divorce bill
Inamin niyá na, kung hindí malilinawan ang dalawáng panukalà, madalî sa kanya na bumoto ng “no” kapág umabót na itó sa Senado.
Dagdág pa niyá, dapat ay palakasín na lamang ang marriage counseling service at dapat magíng madalî itpara sa mga mag-asawang mahihirap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.