METRO MANILA, Philippines — Pinurì ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Pangalawáng Pangulong Sara Duterte sa paggunita ng ika-46 na kaarawan nitó ngayon Biyernes, ika-31 ng Mayo.
Sa isáng Facebook post sabi ni Marcos, na nasá Singapore: “Happy Birthday, Inday Sara! Pinalalakas ng ‘yong sipag at pagmamahal sa bayan ang ating mga kabataan at kaguruan. Ipagpatuloy lang natin ito para sa isang matatag na edukasyon sa ilalim ng Bagong Pilipinas.”
Samantala, may hiwalay na pagbatì din sa Facebook ang Presidential Communications Office (PCO) para sa magandáng kalusugan at mga tagumpáy sa buhay.
BASAHIN: VP Sara: Thank you for the trust, Mr. President
BASAHIN: Galit ni FL Liza inirerespeto ni VP Sara
Pinasalamatan din ng PCO si Duterte sa ginagawâ nitóng pagsisilbí sa bayan, lalo na sa mga kabataan at sa mga gurô.
“Maligayang kaarawan, Vice President Inday Sara Duterte, mula sa Presidential Communications Office! Dalangin namin ang iyong mabuting kalusugan at tagumpay sa paparating na mga taon. Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa iyong paglilingkod sa bayan, lalo na sa mga mag-aaral at gurong Pilipino,” sabi ng PCO sa post nitó.