METRO MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga negosyante ng vape products na simula sa Sabado, Hunyo 1, kailangan nang may tax stamp na ang kanilang mga produkto.
Bababala din ni BIR Commissioner Romeo Lumague Jr. na kukumpiskahín ang produktong waláng tax stamp.
Nagpalabás si Lumague Jr. ng kautusán ukol sa pagkakaroón ng tax stamp system sa vape products katulad nang ipinatutupád sa mga sigarilyo.
BASAHIN: Tobacco, vape smuggling pinatutukan ni Marcos sa BOC, BIR
BASAHIN: DOH suportado ang panawagan sa disposable vape ban
Paliwanag niya, layunin namán nitó na mabantayán ang bentahan ng mga produktong itó para sa tamang paniningíl ng buwís.
Base sa unang pagtatayâ, higít sa P13 bilyon ang mawawalâ sa kita ng gobyerno dahil sa mga ilegál na vape products at aabót sa P50 bilyon kung isasama ang mga puslít na produktong tabako.
Dalawáng taón nang nagsasagawâ ng mga operasyón ang BIR laban sa mga smuggled vape products.