DOH suportado ang panawagan sa disposable vape ban
Nagpahayag ng suporta ang Department of Health (DOH) sa rekomendasyon ni Finance Secretary Ralph Recto na total ban sa disposable vapes.
Katuwiran ng DOH lubhang seryoso ang epekto sa kalusugan at katawan ng disposable vapes at iba pang vapor products.
Kabilang na dito ang tinatawag na emergence of e-cigarette or vapor product-associated lung injury o EVALI, nicotine addiction, sakit sa baga at puso.
Nakakadagdag, sabi pa ng DOH, ang disposable vapes sa tinatawag na electronic o e-waste, dahil gawa ang mga ito sa non-recyclable plastics at batteries kayat banta din sa kapaligiran.
Kahapon, sinabi ni Recto ang kanyang nais na ipagpabawal na ang lahat ng uri ng disposable vapes sa Pilipinas.
Katuwiran niya, halos lahat ng disposable vapes na ipinagbibili sa bansa ay hindi nakarehistro sa Department of Trade and Industry (DTI).
Ang DTI na ang nangangasiwa sa bentahan ng disposable vapes sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.