Tobacco, vape smuggling pinatutukan ni Marcos sa BOC, BIR
METRO MANILA, Philippines — Inutusan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Bureau of Customs (BOC) at ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na palakasin ng husto ang kampaniya kontra smuggling ng mga tobacco at vape products.
Agad tumugon si BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., at sinabi nitong Huwebes na pinaigting na nila ang kanilang istratehiya laban sa smuggled vape products.
Bukod pa dito, magpapatupad daw ang BIR ng bagong tax stamp system para maalis sa merkado ang mga ilegal na vape products.
BASAHIN: DTI pinatindi anti-vape at e-cigs campaign
BASAHIN: P160.3-M halaga ng smuggled cigarettes nasamsam sa Tawi-Tawi
Hiniling din nito na maamyendahan ang Anti-Agri Smuggling Act of 2016 at isama ang mga produktong-tabako.
Samantala, sinabi ni Special Assistant to the President on Economic and Economic Affairs Frederick Go na ang Consumer Protection Groupng Department of Trade and Industry (DTI) ay nangako na dadagdagan ang kanilang mga tauhan na tututok sa industriya ng vape.
Hiniling na lamang sa DTI ng Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) na magtakda na ng deadline para sa pagpaparehistro ng mga importer at manufacturer ng vapor products at pinagbilinan naman ang BIR na simulan na ang pagtatakda ng buwis sa tobacco at vapor products.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.