Tax stamp sa vape products simulá na sa Hunyo 1

By Jan Escosio May 31, 2024 - 08:16 PM

PHOTO: Vape products STORY: Tax stamp sa vape products simulá na sa Hunyo 1
File photo ni Grig C. Montegrande ng Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga negosyante ng vape products na simula sa Sabado, Hunyo 1, kailangan nang may tax stamp na ang kanilang mga produkto.

Bababala din ni BIR Commissioner Romeo Lumague Jr. na kukumpiskahín ang produktong waláng tax stamp.

Nagpalabás si Lumague Jr. ng kautusán ukol sa pagkakaroón ng tax stamp system sa vape products katulad nang ipinatutupád sa mga sigarilyo.

BASAHIN: Tobacco, vape smuggling pinatutukan ni Marcos sa BOC, BIR

BASAHIN: DOH suportado ang panawagan sa disposable vape ban

Paliwanag niya, layunin namán nitó na mabantayán ang bentahan ng mga produktong itó para sa tamang paniningíl ng buwís.

Base sa unang pagtatayâ, higít sa P13 bilyon ang mawawalâ sa kita ng gobyerno dahil sa mga ilegál na vape products at aabót sa P50 bilyon kung isasama ang mga puslít na produktong tabako.

Dalawáng taón nang nagsasagawâ ng mga operasyón ang BIR laban sa mga smuggled vape products.

TAGS: Bureau of Internal Revenue, vape products, Bureau of Internal Revenue, vape products

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.