METRO MANILA, Philippines — Naalarma ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police (PNP) sa dami ng “hacking equipment” na nakumpiská mulâ sa isang Chinese citizen sa Makati City kamakalawá ng hapon.
Inaresto si Yuhang Liu sa Barangay San Isidro nang mapansín ng mga rumespondeng pulís ang baril sa baywáng nitó.
Nang siyasatin ang kanyáng sasakyán, nadiskubre ang ilán pang mga baríl at bala, isáng multi-band directional antenna system, battery units, isáng solar inverter, isáng radio receiver/transmitter, isáng Huawei router, Apple tablet, mga mobile phone, at cash.
Sa pagsisiyasat namán sa kanyáng bahay, nadiskubré ang isang aerial drone, CPU units, ilang IDs, isáng inverter unit, at karagdagang cash.
BASAHIN: DND naalarma sa mga Pogo na malapit sa mga kampo ng militar
BASAHIN: Dito Telecom ginagamit pang-espiya ng China sa Pilipinas – Hontiveros
Sinabi ni CIDG spokesperson na si Lt. Col. Imelda Reyes nakakabahala ang mga nakumpiskáng mga kagamitan mulâ kay Yuhang.
Aniya makikipag-ugnayan sila sa Armed Forces of the Philippines para maimbestigahán ang banyagà at malaman kung itó ay isáng espiya.
“Meron siyang certain gadgets, like yung drone, and meron din siyang mga cellphone, and ’yung makapag-intercept nung other gadgets. So as of now, ang experts ang makapag-justify kung anong klaseng gadgets ang mga ito and then we are waiting for a final report,” sabi ni Reyes.
Unang inireklamo si Yuhang nang panunutok ng baríl sa isáng taong pinuwersa niyang i-deliver sa kanyáng bahay ang iláng “hacking equipment.”