METRO MANILA, Philippines — Hinilíng ng Department of Justice (DOJ) sa Meta Platforms Inc., isang social media ng kompanyá, na dagdagán pa ang pagbibigáy proteksyón sa mga batà sa Facebook.
Sinabi ni DOJ spokesman Mico Clavano kahapong Huwebes na maaring magdagdág pa ng mga inisyatibo, programa, at mekanismo upang mapagtibay ang proteksyón ng mga bata sa social media.
Ang hirit na ito ni Clavano ay kasunód nang pagpapahayág ng interés ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,na makialám na para matigil ang pagbebenta ng mga sanggól sa pamamagitan ng social media.
Aniya may ugnayan na ang DOJ at Office of the President upang matugunán ang isyu.
“Si president na mismo gustó nang mag-intervene dito sa problemang itó. Sa tingín pi niyá, hindí daw tayo makaka-progress, waláng progression ang Pilipinas kung mayroón tayong mga problema na ganitó,” sabi pa ni Clavano.
Kailangan din daw ang partisipasyón ng pribadong sektor, komunidád, civil society, at social media platforms para malabanan ang bentahan ng mga sanggól, maging ang ilegál na pag-aampón ng mga batà.
Umapilá si Clavano sa mga netizen na agád isumbóng sa mga awtoridad ang makikita nilá sa kaniláng social media accounts na bentahan o pagpapa-ampón ng mga batà.