DND naalarma sa mga Pogo na malapit sa mga kampo ng militar
Naglipana na sa bansa ang mga Chinese casinos o tinatawag na Philippine offshore gaming operators (Pogo) at malapit ang mga ito sa mga kampo ng militar, bagay na ikinaalarma ng otoridad.
Mismong si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay nagpahayag ng pagka-alarma na malapit ang mga Pogo sa mga military camps sa Metro Manila.
Ayon kay Lorenzana, maaaring maging pag-eespiya ang operasyon ng mga pasilidad ng Pogo.
“Personally, I think there should be no need to worry,” Lorenzana said.”But if you see the huge number of people staying there, it’s very easy for these people to shift their activities to spying,” pahayag ng Kalihim.
Lumabas sa social media ang mga larawan ng satellite maps na nagpapakita ng lokasyon ng mga Pogo na malapit sa ilang malalaking kampo ng militar.
Binanggit ni Lorenzana na ang mga Pogo na nasa Araneta Center at Eastwood ay malapit sa punong tanggapan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo.
Ilan pang Chinese casino ang malapit din sa headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, at mga headquarters ng Air Force sa Pasay, Philippine Navy sa Roxas Boulevard at Philippine Army sa Taguig.
Samantala, may isang dating resort sa Kawit, Cavite na ginagawa ring Pogo hub na 3 kilometro lamang ang layo sa pasilidad na ginagamit ng 15th Strike Wing ng Philippine Air Force at Philippine naval base Heracleo Alano sa Sangley Point.
Ang Pogo ay isang online casino na karamihan sa mga customer ay mga Chinese dahil bawal ang sugal sa China.
Sa report ng PNP, umabot na sa 250,000 ang mga Chinese nationals na nasa bansa na nagtatrabaho sa mga Pogo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.