Pilipinas nakapagtala na ng unang panalo sa AVC Asian Cup

By Justinne Punsalang September 19, 2018 - 12:17 AM

Nabali na ng Pilipinas ang kanilang losing streak matapos magwagi sa kanilang tapatan kontra Kazakhstan para sa Asian Volleyball Confederation Asian Cup na ginanap sa Thailand.

Natapos ang laro sa iskor na 25-22, 25-23, 20-25, at 25-17, pabor sa Team Pilipinas.

Dahil dito, 1-2 na ang win-loss record ng koponan.

Sa kasamaang palad ay hindi na makakasampa pa sa quarterfinals ang koponan.

Ayon sa coach ng koponan na si Shaq delos Santos, masaya sila sa kanilang pagkapanalo dahil tila nahilom nito ang kanilang pagkatalo kontra Australia at Iran.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.