Retraining ng umuwí nang mga OFW tiniyák ni Pangulong Marcos

By Jan Escosio May 31, 2024 - 03:04 PM

PHOTO: OFWs at the airport STORY: Retraining ng mga ex-OFW tiniyák ni Pangulong Marcos
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Ipinangakò ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatuloy at palalawakin pa ang pagtulong ng gobyerno sa mga dating overseas Filipino workers upáng silá ay magkaroón ng trabaho o kabuhayan dito sa Pilipinas.

Sa hareap ng Filipino community sa Brunei, ibinahagì ni Marcos na may mga programa namán ang gobyerno para magkaroón ng trabaho dito sa bansâ ang mga umuwíng mga OFW.

Aniya nag-aalók ang gobyerno ng retraining at reskilling sa mga dating OFW, bukód pa sa mga insentibo at alók na mga trabaho.

BASAHIN: Bilyong-bilyong piso para sa pensioners at OFWs tinapyas, nailipat sa AKAP

BASAHIN: 50% fare discount alok ng OWWA, Ube Express sa OFWs

Binanggít niyá ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), na para sa mga nawalán ng trabaho, gayundín ang mga programa at alók na mga kurso ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

May malakíng pondo din aniya para sa pagsisimulâ ng mga dating OFW ng kaniláng sariling negosyo.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Overseas Filipino Workers, Ferdinand Marcos Jr., Overseas Filipino Workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.