METRO MANILA, Philippines — Simulâ ngayón, ika-29 ng Mayo, hanggang bukas ay maaríng makaranas ng mga pag-ulán at malakás na ihip ng hangin ang Luzon dahil sa southwesterly wind flow, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Magiging malakás ang pag-ulan sa Northern at Central Luzon at sa Mimaropa.
Sa susunod na tatloóg araw namán ay maaring magíng malakás ang bugsô ng hangin sa Batanes, Ilocos Region, Zambales, Bataan, northern Aurora, southern Quezon, Polillo Islands, Palawan, Lubang Islands, Romblon, Marinduque, at Camarines Norte.
Magiging malakás namán ang alon sa baybayin ng Batanes.
BASAHIN: Posibleng mas mapinsalà pa ang La Niña kaysa El Niño – DA
Samantalá, patuloy ang paglayô ng bagyóng Aghon na hulíng namataán sa layo 870 km sa silangan ng Hilagang Luzon at inaasahan itóng lumabás ngayóng araw sa Philippine area of responsibility.