DOJ nag-inspeksyón ng ni-raid na shabú lab sa Catanduanes

PHOTO: Map of Catanduanes STORY: DOJ nag-inspeksyón ng ni-raid na shabú lab sa Catanduanes
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Makalipas ang walóng taón, binsita ng Department of Justice (DOJ) ang sinalakay na pagawaan ng shabú sa Virac, Catanduanes.

Pinangunahan ni Justice Assistant Secretary Eliseo Cruz ang inspeksyón ng shabú lab sa Barangay Palta Small.

Ipinag-utos ng isáng korte sa Makati City ang pagbisita sa lab dahil sa mosyón ng gobyerno na masurì itó.

BASAHIN: Panibagong testigo sa nadiskubreng mega shabú lab sa Catanduanes, humarap sa pagdinig ng Kamara

Noóng 2016 sinalakay ang nasabing lab at nasamsám ang 22,509 kg ng shabú, 359 kg ng Ephedrine, 200 ml ng liquid shabú, at mga kagamitan sa paggawaâ ng droga.

Itinuturing itó na isá sa pinakamaraming nasamsám na shabú sa kasaysayan ng lab. Ang nasamsám na droga ay naokupahán ang dalawáng basketball court.

Hinilíng ng prosecution panel ang pagbisita sa bago ang pagwasak sa mga nakumpiskáng droga.

Read more...