Marcos bibisita sa Brunei, Singapore sa susunód na linggó

By Jan Escosio May 24, 2024 - 04:35 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. STORY: Marcos bibisita sa Brunei, Singapore sa susunód na linggó
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines —Bibiyahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Brunei Darussalam at Singapore sa susunód na linggó, pahayag ng Department of Foreign Affaris (DFA) nitóng Biyernes.

State visit ang lakad ng pangulo sa Brunei sa paanyaya ni Sultan Haji Hassanal Bolkiah Mu’izzaddin Waddaulah, mula ika-28 hanggang 29 ng Mayo.

Sa ika-30 hanggang 31 ng Mayo namán ay dadalo naman si Marcos  sa International Institute for Strategic Studies’ (IISS) Shangri-La Dialogue sa Singapore.

BASAHIN: Singapore trip ni Pangulong Marcos sa Singapore, produktibo ayon sa Malakanyang

BASAHIN: Seguridad sa pagkain sa SEA binanggit ni Marcos sa ASEAN Summit

Inaasahan na magsasagawâ ng mga bilteral meeting ang pangulo sa Brunei at haharap sa Filipino community doon.

Ayon kay Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau ng Foreign Affairs Office ng Asian Pacific Affairs si Marcos ang kauna-unahang pangulo ng Pilipinas na magsasalita sa naturang defense summit.

Inaasahan ang pagdaló  sa naturang pagtitipon ng mga defense ministers, military chiefs, at security experts para pag-usapan ang mga isyu sa pandaigdigang seguridad.

Makakaharáp din ni Marcos si bagong Singapore President Tharman Shanmugaratnam at Prime Minister Lawrence Wong.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Marcos foreign trips, Ferdinand Marcos Jr., Marcos foreign trips

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.