METRO MANILA, Philippines — Nakalabas na ng Senate detention facility sina dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) intelligence agent Jonathan Morales at dating National Police Commission (Napolcom) agent Eric Santiago.
Kinumpirma ito ni Senate President Francis “Chiz” Escudero matapos daw siya tawagan ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada para ipaalam ang pagpapalaya kay Morales.
Ipina-cite for contempt ni Estrada si Morales sa pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs noong Lunes dahil sa patuloy na pagsisinungaling.
Pinuntahan pa ni Estrada si Morales sa selda nito para sa seryosong pag-uusap.
BASAHIN: ‘STL’ daw ang tawag kay ex-PDEA intel officer Morales
BASAHIN: Ex-PDEA intel officer may perpetual ban sa gov’t service – CSC
Ayon pa kay Escudero, tinawagan din siya ni Sen. Ronald dela Rosa para ipaalam din ang pagpapalaya na niya kay Santiago.
Unang ipina-cite for contempt ni Dela Rosa si Santiago dahil sa mga gawa-gawang kuwento sa pagdinig ng pinamumunuan niyang komite.
Pasado 7 p.m. na nang makalaya na sina Morales at Santiago.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.