Ex-PDEA agent, ex-Napolcom agent cited for contempt ng Senado

By Jan Escosio May 20, 2024 - 05:33 PM

PHOTO: Jonathan Morales sa Senado STORY: Ex-PDEA agent, ex-Napolcom agent cited for contempt ng Senado
Dating PDEA intelligence officer na si Jonathan Morales. (Larawan mula sa Senate Public Relations and Information Bureau)

METRO MANILA, Philippines — Dahil sa sinasabing patuloy na pagsisinungaling, na-cite for contempt sina dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales at dating National Police Commission (Napolcom) agent Eric Santiago.

Si Sen. Ronald dela Rosa, ang namumuno sa Committee on Public Order and Dangerous Drugs, ang nag-cite for contempt kay Santiago dahil sa pagsisinungaling at pag-amin ng paggawa ng kuwento.

Samantala, si Sen. Jinggoy Estrada naman ang humiling na ma-cite for contempt si Morales dahil sa pabago-bagong pahayag. Ilang beses din sinabi ng senador na nagsisinungaling ang dating ahente ng PDEA.

BASAHIN: ‘STL’ daw ang tawag kay ex-PDEA intel officer Morales

BASAHIN: Ex-Exec Secretary Ochoa dadalo sa hearing ukol sa ‘PDEA leaks’

Humarap naman sa pagdinig si dating Executive Secretary Paquito Ochoa, na itinanggi na kilala niya si Morales at siya ang humarang sa operasyon ng PDEA base sa impormasyon na nag-uugnay kina ngayon at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at veteran actress na Maricel Soriano sa droga noong 2012.

Ang isa pang resource person, si James Kumar ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), sa sandaling pagharap sa komite sa pamamagitan ng video conference ay itinanggi din ang pagdawit sa kanya ni Morales.

Nasa ospital si Kumar dahil sa stroke at acute bronchitis at pinilit lamang niyang humarap sa pagdinig upang linisin ang kanyang pangalan.

Ang pagdinig ay ikatlo na ukol sa naisapublikong mga dokumento ng PDEA, na paulit-ulit naman itinanggi na mula sa kanila o hawak nila ang confidential documents.

TAGS: Eric Santiago, Jonathan Morales, PDEA leaked documents, Eric Santiago, Jonathan Morales, PDEA leaked documents

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.