METRO MANILA, Philippines — Masusundán pa ang pagtaás ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunód na linggó.
Sa pagtatayâ ng mga kumpaniyá ng langís eto ang puwedeng itaás ng mga produktong petrolyo:
- 45 hanggang 85 na sentimo kada litro ng gasolina
- 30 hanggang 70 sentimo kada litro ng krudo
- 40 hanggang 80 na sentimo sa gaas
BASAHIN: Tax-break para sa electric vehicles suportado sa Kamara
BASAHIN: Pagpapalakas sa industriya ng electric vehicle ipinanukala sa Kamara
Isa sa tinitingnan na dahilan sa panibagong taas-presyo ay dahil sa pagbaba ng halagá ng piso kontra sa dolyár ng Amerika.
Base sa monitoring ng Department of Energy (DOE), simula sa pagpasok ng bagong taon, P7.15 na ang itinaás ng presyo ng gasolina at P4.45 sa diesel at bumaba naman ng P1.35 ang halaga ng kerosene.
MOST READ
LATEST STORIES