METRO MANILA, Philippines — Nagbabala sa públiko ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na delikado sa kalusugan ang tinatawag na “magic mushroom” — bukód pa sa ipinagbabawal ang pagtatanim, pagbebenta, at paggamit nito.
Ang magic mushroom ay may tagláy na psilocybin, isang hallucinogenic na ilegál na droga, ayon sa Dangerous Drugs Board (DDB).
Nitóng nakalipas na ika-18 ng Mayo, nagsagawâ ang PDEA ng buy-bust operation sa isang beach resort sa Barangay Galongen sa Bacnotan, La Union, kung saan kabilang sa mga nasamsam ay mga chocolate bar, lollipop, at Gummy Bear na candy na may sangkáp na magic mushroom.
BASAHIN: P212-M halaga ng shabu nasabat ng BOC, PDEA sa Clark
BASAHIN: P4.51B halaga ng ibat-ibang droga winasak ng PDEA
Nakakumpiska din sa operasyon ng marijuana joints, ecstacy, kush at cocaine, na may kabuuang halaga na P145,000.
May pitóng inaresto sa operasyón, kabilang ang isáng banyagà.
Sinabi pa ng PDEA na kalát na sa social media ang mga anunsiyo na nakakapagpagalíng ng mga sakit ang magic mushroom.
Ayon pa sa mga social media infliuencers at ilang personalidád ito ay bahagì ng tinatawag na “soul therapy” sa yoga.