Libreng pustiso dapat isama sa Dental Health Care Program – Go
METRO MANILA, Philippines — Nagulat daw ni Sen. Christopher “Bong” Go nang nadiskubre niyá na hindî bahagì ng Dental Health Care Program ng Department of Health (DOH) ang pagbibigáy ng libreng pustiso.
Nalaman itó ni Go sa pagtulong niyá sa isáng nangangailangan ng pustiso sa Cebu. Tinanggihán draw siya ng DOH dahil hindi raw kasama ang libreng pustiso sa programa nila.
Kaya namán iginiít ng senador, na namumuno sa Senate Committee on Health, na dapat maamyendahan ang mga regulasyon. Tiwalà naman daw siyá ang pagmimigáy ng libreng pustiso ay maaring maisama sa napakaraming programang pangkalusugan ng gobyerno.
BASAHIN: Pondo para sa health programs, projects pinatitiyak ni Go
BASAHIN: Sen. Bong Go nanawagan sa pagkilos para iwas sa pertussis outbreak
Naniniwalà raw siya na kapág naisakatuparan ang kanyáng nais maraming mahihirap na Filipino ang makikinabang.
Sa iáang pagdinig, pinuná na ni Sen. Raffy Tulfo ang kawalán ng dental specialty centers sa bansâ sa kabilia aniya ng pinaniniwalaan niyang dental health crisis sa bansâ.
Binanggít pa niá na kabilang ang mga batang Filipino samga may “worst dental care” sa buóng mundó.
Sabi pa ni Tulfo na nakakaapekto sa pusò at utak ang kalusugan ng ngipin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.