Sen. Bong Go nanawagan sa pagkilos para iwas sa pertussis outbreak

By Jan Escosio March 26, 2024 - 07:40 PM

Dapat ang sama-samang pagkilos para hindi lumaganap ang pertussis, bilin ni Sen. Bong Go. (OSBG PHOTO)

Nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa gobyerno na kumilos para maiwasan pa ang paglobo ng mga tinatamaan ng pertussis o matinding pag-ubo.

Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Health kailangan din ang kooperasyon ng lomunidad para mapigil ang hawaan at maiwasan ang pagkamatay lalo na sa mga sanggol at bata.

Nabatid na marami na ang naiulat na kaso sa Quezon City at Pasig City.

“Napakahalaga ng pagiging alerto at pagtugon ng gobyerno sa paglaban sa pertussis. Ang sakit na ito, lalo na sa mga sanggol at bata, ay hindi dapat balewalain,” paalala ng senador.

May mga pagkilos naman na ang mga lokal na pamahalaan kasama na ang pagbabakuna at ang information campaign na may bakuna kontra sa sakit , gayundin ang post-exposure prophylaxis.

TAGS: outbreak, ubo, outbreak, ubo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.