Pondo para sa health programs, projects pinatitiyak ni Go
Hiningi ni Senator Christopher Go ang katiyakan ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para sa pondo ng mga proyekto at programang pangkalusugan.
Kinamusta ni Go ang pagpopondo sa Health Facility Enhancement Program (HFEP) ng Department of Health.
Paalala ng namumuno sa Senate Committee on Health na layon ng programa na mapagbutu ang paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga kinakailangan na pasilidad.
Aniya makakaasa ng suporta mula sa Kongreso kung may katiyakan na maayos na naikakasa ang HFEP.
Iniiwasan aniya na magpasa ng mga batas na magreresulta lamang sa mga proyektong wala naman pondo.
Diin ni Go na maganda ang mga plano na pagpapatayo ng mga pasilidad ngunit kung hindi naman pa ito magiging realidad makakabuti na ipambili na lamang ng mga kailangan na gamot ang pondo para makatulong sa mga maysakit na Filipino
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.