METRO MANILA, Philippines — Inamin mg dating hepe ng Western Command (Wescom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Vice Adm. Alberto Carlos na nakipag-usap siya sa isang military attaché ng Chinese Embassy.
Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security, sinabi ni Carlos ang kanilang pag-uusap, na nangyari pagpasok ng bagong taon, ay tungkol sa mga paraan na maiwasan ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa kanilang pag-aagawan ng bahagi ng West Philippine Sea.
Diniin niya na wala silang napag-usapan na “new model” ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.
BASAHIN: Walang PH-China ‘new model’ deal sa Ayungin Shoal – AFP
BASAHIN: Pagbusisi sa Digong-China “gentleman’s agreement” pag-uusapan ng mga senador
Dagdag pa niya, hindi niya pinahintulutan i-rekord ng isang “Mr. Li” ang pag-uusap nila noong military attaché.
Ipinatawag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang pagdinig base sa resolusyon na inihain ni Majority Leader Francis Tolentino ukol sa “wiretapping” daw na ginawa ng Chinese Embassy.