Walang PH-China ‘new model’ deal sa Ayungin Shoal – AFP

By Jan Escosio May 09, 2024 - 07:50 PM

PHOTO: Romeo Brawner Jr. STORY: Walang PH-China ‘new model’ deal sa Ayungin Shoal – AFP
Gen. Romeo Brawner Jr., hepe ng Armed Forces of the Philippines, sa the Kapihan sa Manila Bay noong ika-25 ng Oktubre 2023. (File photo by ARNEL TACSON | INQUIRER.net)

METRO MANILA, Philippines — Walang “new  model agreement” sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa isyu sa Ayungin Shoal, ang sabi ni Gen. Romeo Brawner Jr., ang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nitong Huwebes.

Idiniin ni Brawner na hindi papatulan ng AFP ang pahayag ng Chinese Embassy na sumang-ayon ang militar sa sinasabing bagong kasunduan para mabawasan ang tensiyon sa Ayungin Shoal.

Aniya hindi dapat bigyan pansin pa ang sinasabing naging pag-uusap ni Adm. Alberto Carlos, commander ng AFP Western Command (WesCom), at isang Chinese diplomat.

BASAHIN: Marcos walang balak na ipagamit water cannon laban sa China

BASAHIN: Delikado ang presyon ng water cannon ng China Coast Guard – PCG

Unang inanunsiyo ng Chinese Embassy na pumayag si Carlos sa “new model agreement” at ito ay may basbas ng mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Sa audio recording, maririnig si Carlos sa kanyang pakikipag-usap sa isang Chinese diplomat at pinag-uusapan ang pagsasagawa ng rotation and resupply mission sa Ayungin Shoal, kung saan nakasadsad ang BRP Sierra Madre.

Sabi ni Brawner madaling gumawa ng audio recordings gamit ang “deep fakes.” At ang pahayag ng Chinese Embassy ay malinaw daw na panggugulo lamang at ang tanging motibo ay ilayo ang usapin sa mga agresibong galaw ng China sa WPS.

TAGS: PH-China relations, West Philippine Sea, PH-China relations, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.