Dating Wescom chief inaming nakipag-usap sa Chinese diplomat

By Jan Escosio May 22, 2024 - 02:32 PM

PHOTO: Alberto Carlos STORY: Dating Wescom chief inaming nakipag-usap sa Chinese diplomat
Vice Adm. Alberto Carlos, ang dating hepe ng Wescom, sa pagdinig ng Senado nitong Miyerkules, ika-22 ng Mayo 2024. —Kuha ni Jan Escosio, Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Inamin mg dating hepe ng Western Command (Wescom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Vice Adm. Alberto Carlos na nakipag-usap siya sa isang military attaché ng Chinese Embassy.

Sa pagdinig ng Senate Committee on National Defense and Security, sinabi ni Carlos ang kanilang pag-uusap, na nangyari pagpasok ng bagong taon, ay tungkol sa mga paraan na maiwasan ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa kanilang pag-aagawan ng bahagi ng West Philippine Sea.

Diniin niya na wala silang napag-usapan na “new model” ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa.

BASAHIN: Walang PH-China ‘new model’ deal sa Ayungin Shoal – AFP

BASAHIN: Pagbusisi sa Digong-China “gentleman’s agreement” pag-uusapan ng mga senador

Dagdag pa niya, hindi niya pinahintulutan i-rekord ng isang “Mr. Li” ang pag-uusap nila noong military attaché.

Ipinatawag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang pagdinig base sa resolusyon na inihain ni Majority Leader Francis Tolentino ukol sa “wiretapping” daw na ginawa ng Chinese Embassy.

TAGS: Alberto Carlos, PH-China relations, West Philippine Sea, Alberto Carlos, PH-China relations, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.