METRO MANILA— Higit sa 285 milyóng mga turista ang bumiyahe sa ibat-ibang dakò ng mundó sa unang tatlóng buwán ng kasalukuyang taón, ayon sa UN Tourism.
Ito ay 97% na ng bilang bago tumamà ang COVID-19 pandemic noong 2020 at 20% nung bilang na naitalâ noong unang tatlong taón nitong nakaraáng 2023.
Kumpiyansa ang UN Tourism na 100% na makakabangon na ang pandaigdigang turismo ngayóng taón at hihigit pa itó ng 2% sa naitalâ noóng 2019.
BASAHIN: Daga, surot sa NAIA baka “kagatin” ang ating turismo – Poe
BASAHIN: Happy experience dapat hindi horror story sa mga banyagang turista – Villanueva
Nakapagtalâ ng 120 milyong turista sa Europe, samantalang ang Middle East naman ang nagtalâ ng pinakamalakás na pagtaás ng bilang ng mga turista na 36% na mas mataás sa naitalâ bago ng pandemiya.
Bagamát dumami na rin ang bumisita, ayon sa UN Tourism, hindi pa nakakabawì ang sektór ng turismo sa Asia-Pacific, kung saán kabilang ang Pilipinas.