Happy experience dapat hindi horror story sa mga banyagang turista – Villanueva

By Jan Escosio September 22, 2023 - 01:15 PM
Naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na matindi ang pangangailangan para sa “assessment and retraining” ng mga kawani ng Office for Transport Security (OTS). Kasunod ito nang insidente nang pagkupit ng babaeng kawani ng OTS ng $300 mula sa isang Chinese tourist sa NAIA Terminal 1. Diin ni Villanueva, hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa katulad na insidente at tila walang takot ang ilang kawani sa NAIA na ulit-ulitin ito. Aniya kung may mga ganitong insidente, napakahirap na mangumbinsi ng mga banyaga na bumisita sa bansa dahil matatakot na sila sa kanilang seguridad. Aniya ang dapat na maging karanasan ng mga turista ay happy at hindi horror story. Kailangan lamang din, ayon pa kay Villanueva, na makilatis ang mga nais magtrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno lalo na ang nasa frontline services.

TAGS: Joel Villanueva, news, Radyo Inquirer, turista, Joel Villanueva, news, Radyo Inquirer, turista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.