METRO MANILA, Philippines — Sinabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hahayaan niya muna sa kulungan ng Senado si dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) intelligence agent Jonathan Morales.
Kahapon, na-cite for contempt ni Estrada si Morales dahil sa aniya ay patuloy na pagsisinungaling sa pagdinig ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Kasunod nito ay hiniling ni Estrada na makulong sa Senate Detention Facility si Morales.
Ayon pa kay Estrada maaring magbago ang kanyang isip kong kakausapin siya ni Morales at sasabihin na ang kanyang motibo sa kanyang mga pahayag.
Samantala, sinabi ni Sen. Ronald dela Rosa na maaring mapatawad na niya si dating Napolcom agent Eric Santiago matapos din niya itong ma-cite for contempt dahil din sa paggawa ng mga kuwento sa pagdinig ukol sa “PDEA leaks.”