Zuburi balak kausapin si MVP ukol sa internet sa Pagasa Island

PHOTO: Joel Villanueva, Juan Miguel Zubiri, Gilbert Teodoro, JV Ejercito STORY: Zuburi balak kausapin si MVP ukol sa internet sa Pagasa Island
Bumisita noong Biyernes, ika-17 ng Mayo 2024, sa Pag-asa Island sina (mula sa kaliwa) Sen. Joel Villanueva, Senate President Juan Miguel Zubiri, Defense Secretary Gilberto Teodoro, at Sen. JV Ejercito. (Kuha ni Jan Escosio, Radyo Inquirer)

PAG-ASA ISLAND, Kalayaan Island Group, Palawan, Philippines — Telekomunikasyon ang isa sa mga pangunahing pangangailangan sa Pagasa Island sa Kalayaan, Palawan, kayat sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kakausapin nila ang telecommunication companies sa bansa.

Isa sa agad na naisip ni Zubiri ay ang negosyanteng si Manny Pangilinan ng PLDT Group.

Kakausapin din aniya niya ang ilan pang negosyante na maaring magka-interes na magbigay ng maayos at maaasahan na internet connection sa naturang isla sa West Philippine Sea.

Bumisita si Zubiri sa Pagasa Island kasama sina Majority Leader Joel Villanueva, Deputy Majority Leader  JV Ejercito, at Defense Secretary Gilberto Teodoro para pasinayaan ang itatayong barracks at rural health center sa isla, na may higit 300 na residente.

BASAHIN: Lease-free sa internet connectivity magpapasigla sa digital economy – group

BASAHIN: Gatchalian: After 30 years, internet connectivity sa bansa kapos pa rin

Sa paglapit ng mga eroplano sa Pagasa Island, ilang sa mga pasahero ang nakatanggap ng “notification” sa kanilang cellphone na may mensaheng, ” SMART Welcomes you to China. Stay Connected with GigaRoam Asia 3GB promo.”

At sa paglipad naman mula sa isla, may ilan na nakatanggap ng mensaheng “SMART welcomes you back to the Philippines! We hope you had an enjoyable trip.”

Isa sa mga idinaing ng mga residente ay ang mahina at minsan ay nawawalang internet signal na napakahalaga aniya para sa kanila lalo na sa pag-aaral ng mga batang estudyante.

Kumpiyansa si Zubiri na maraming negosyanteng magkaka-interes na magnegosyo sa isla dahil sa napakalaking potensyal nito lalo na sa industriya ng turismo.

May naging katulad na resolusyon ang mga kapwa akusado niya sa kaso na sina Gigi Reyes, ang kanyang dating chief of staff noon senador pa si Juan Ponce Enrile at ang negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Ibinasura ng korte ang petisyon ng dalawa.

Read more...