Lease-free sa internet connectivity magpapasigla sa digital economy – group
Nanniniwala ang isang digital advocacy network na malaki ang magiging positibong epekto sa Filipino netizens kung libre na ang paglalagay ng internet connections sa Pilipinas.
“Removing the lease fees for the broadband connectivity may lead to better telecommunications services for the public and will also improve the internet links in the country,” ani Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustillo.
Dagdag pa niya dapat ay ma-regulate din ang lease fees at bigyan ng insentibo ang telcos para mapalawak ang coverage sa mga lugar na hirap pa ang internet connectivity.
Dapat aniya tularan ang mga ginawang hakbang ng mga gobyerno ng Africa at Singapore sa pagkilala sa kahalagahan ng internet at hindi na pagpapabayad ng upa ng internet service providers.
Dito sa Pilipinas, ani Gustillo, partikular na sa central business districts gaya ng Makati, Bonifacio Global City at Cebu ay konti ang nag-aalok ng libreng upa na ang kapalit sana ay malakas at walang palyang internet connection.
Una nang hiniling ni Globe President and Chief Executive Officer Ernest Cu sa property developers na alisin ang lease fees para sa instalasyon ng telecommunications facilities, at sinabing sa panahong ito, ang connectivity ay kasing halaga ng electricity at water supplies.
Ipinaliwanag ni Cu na ang leasing costs ay nakadaragdag sa gastuain ng telcos na maari sanang idagdag sa pondo para sa mga pasilidad na magpapalakas sa internet connection.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.