Na-reset desisyon sa hirit na ibasura plunder case in Enrile
METRO MANILA, Philippines — Ipinagpaliban ng Sandiganbayan sa darating na ika-12 ng Hunyo ang pagpapalabas ng resolusyon ukol sa hiling ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na pagbasura sa kanyang plunder, o pandarambong, na bunga ng tinatawag na pork barrel scam.
Unang naitakda ngayon buwan ng Mayo ang pagpapalabas ng desisyon ng 3rd Division ng anti-graft court ukol sa hirit ni Enrile na pagbalewala sa ebidensiya na inihain sa kinahaharap na P172 million plunder case.
Kinumpirma ng clerk of court na si Dennis Palma ang pagpapaliban sa pagpapalabas ng resolusyon.
Kapag pinaboran ng korte si Enrile ay mapapawalang-sala siya sa kasong pandarambong. At kung ibasura ang kanyang hirit, magpapatuloy ang pagdinig sa kanyang kaso.
Pinayagan na makapag-piyansa si Enrile noong 2015. Samantala, ipinag-utos ng Korte Suprema noong 2023 ang pagpapalaya kay Gigi Reyes, ang dating chief of staff ni Enrile, base sa inihain nitong habeas corpus petition.
Si Janet Lim-Napoles naman, na nadiin bilang mastermind ng pork barrel scam, ay nakakulong na sa Correctional Institution for Women matapos masentensiyahan ng mga korte sa ibang kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.