Senate susuriin ‘wiretapping’ ng Chinese envoy at AFP officer
METRO MANILA, Philippines — Sa darating na Martes, ika-21 ng Mayo, isasagawa ang pagdinig ng Senate Committee on National Defense ukol sa sinasabing isinagawang “wiretapping” ng isang mataas na opisyal ng Chinese Embassy.
Ito ang ibinahagi ni Sen. Francis Tolentino matapos ang kanilang pag-uusap ni Sen. Jinggoy Estrada, ang committee chairman.
Kahapon, naghain ng resolusyon si Tolentino at hiniling na maimbestigahan sa Senado ang sinasabing wiretapping na ginawa ng Chinese Embassy.
BASAHIN: Walang PH-China ‘new model’ deal sa Ayungin Shoal – AFP
BASAHIN: Pagbusisi sa Digong-China “gentleman’s agreement” pag-uusapan ng mga senador
Kabilang sa mga nais ng senador na maimbitahan ay mga opisyal ng Department of National Defense, Department of Foreign Affairs, National Intelligence Coordinating Agency, at mga opisyal ng Embahada ng China.
Pero inamin ng mga senador na hindi naman maaring pilitin ang mga opisyal ng Chinese Embassy na dumalo sa pagdinig.
Nilinaw at ipinagdiinan ni Tolentino na sa pagdinig ang nais nilang mapatunayan ay kung totoong nagkaroon ng paglabag sa Anti-Wiretapping Law.
Aniya hindi kasama sa layon ng kanyang resolusyon ang sinasabing “new model” na kasunduan ng Pilipinas at China hinggil sa sitwasyon sa West Philippine Sea. (WPS).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.