‘STL’ daw ang tawag kay ex-PDEA intel officer Morales

PHOTO: Jonathan Morales sa Senado STORY: ‘STL’ daw ang tawag kay ex-PDEA intel officer Morales
Dating PDEA intelligence officer na si Jonathan Morales. (Larawan mula sa Senate Public Relations and Information Bureau)

METRO MANILA, Philippines — “STL” ang bagong bansag kay dating Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) intelligence agent Jonathan Morales. At ang ibig sabihin nito ay “story-telling liar.”

Ayon kay dating PDEA Director General Dionisio Santiago “STL” daw ang tawag ng kanyang mga kaibigan kay Morales.

Binunyag niya ito nitong Lunes nang humarap siya sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs bilang surprise witness ni Sen. Jinggoy Estrada.

BASAHIN: Ex-PDEA intel officer may perpetual ban sa gov’t service – CSC

BASAHIN: Pangulong Marcos Jr., wala sa drug watchlist – PDEA

Kinuwestiyon ng husto ni Estrada ang kredebilidad ni Morales dahil sa mga kasong kriminal at administratibo na kinaharap nito bilang pulis hanggang sa maging ahente ng PDEA.

Hinanap din muli ni Estrada kay Morales ang naisapublikong classified PDEA documents, maging ang confidential informant na nag-ugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at aktres na si Maricel Soriano sa ilegal na droga.

Sandaling nagkaroon ng tensyon sa pagitan nina Estrada at Morales dahil sa kanilang personal na pag-atake sa isat-isa.

Depensa naman ni Morales na si Santiago pa ang nagtalaga sa kanya bilang ahente sa PDEA.

Buwelta naman ni Santiago: Hindi niya itatalaga si Morales kung hindi nito inilihim ang kanyang mga kaso noong siya ay isa pang pulis.

Read more...