METRO MANILA, Philippines — Umabot na sa higit 34.4 milyong kilograms — o 34,400 metric tons — ng basura ang nahakot sa pagsasagawa ng “Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan” o “Kalinisan” ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Secretary Benhur Abalos, ito ang resulta lingguhang paglilinus mula Enero hanggang Abril sa 20,974 na mga barangay sa buong bansa kung saan 580,224 ng mga volunteer ang sumama.
Sinabi ni Abalos na ang mga naitalang bilang ay patunay na may bayanihan sa paglilinis sa kapaligiran at kalikasan.
Noong nakaraang Sabado naman, nagbalik sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City ang kampaniya para naman sa pagsasagawa naman ng urban gardening.
Sa nakalipas na anim na buwan, sabi ni Abalos, 92 kalsada sa naturang barangay ang nalinis na at 6,200 ilegal istraktura ang naalis.