Marcos nakatuón ang pansin sa susunod na mga joint war drills

By Jan Escosio May 10, 2024 - 02:36 PM

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. at a Balikatan drill STORY: Marcos nakatuón ang pansin sa susunod na mga joint war drills
Nagmamatyag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Combined Joint Littoral Live Fire Exercises, ang pinakahuling field training event ng Balikatan 2023. (File photo from Philippine Daily Inquirer)

METRO MANILA, Philippines — Nakatuón ang pansín ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga darating pang mga war drills ng Pilipinas at nga mga kaalyadong nitong bansa, sabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro nitong Biyernes.

Binanggit ito ni Teodoro sa pagsasara ng 2024 Balikatan sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, kung saan pinarating niya ang pagbati ni Marcos sa mga nakibahagi sa mga pagsasanay.

Sinabi pa ni Teodoro na kapanapanabik na ang Balikatan sa susunod na taon dahil sa isasagawang “full battle simulation.”

BASAHIN: Villar umapila ng “Balikatan” para sa mga mangingisdang Filipino sa WPS

BASAHIN: Balikatan live fire exercises sinaksihan ni Pangulong Marcos

Aniya hinihintay na rin ni Marcos ang “full debriefing” sa isinagawang war exercise ngayong taon.

Ang Balikatan ngayon taon ang pinakamalaki sa kasaysayan nito at ito ay inobserbahan ng 14 bansa.

Naging tampok sa pagsasanay ang magkasamang paglalayag ng mga barkong pandigma ng Pilipinas, US, at France; ang paggamit sa High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) sa ilang target sa West Philippine Sea ; at ang pagsasagawa ng humanitarian missions.

Nagsimula ang pagsasanay noong Abril 22.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., joint military exercises, Ferdinand Marcos Jr., joint military exercises

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.