Marcos walang balak na ipagamit water cannon laban sa China

By Jan Escosio May 06, 2024 - 05:41 PM

PHOTO: Kita sa litratong ito — na kinuha noong Abril 2024, ang pag-atake ng China Coast Guard ng mga water cannon ng BRP Bagacay ng Philippine Coast Guard. STORY: Marcos walang balak na ipagamit water cannon laban sa China
Kita sa litratong ito — na kinuha noong Abril 2024, ang pag-atake ng China Coast Guard ng mga water cannon ng BRP Bagacay ng Philippine Coast Guard.(Photo by handout from the Philippine Coast Guard via Agence France-Presse) (INQUIRER.net file photo

MANILA, Philippines — Hindi babawi ang Pilipinas sa China pamamagitan ng paggamit din ng water cannon, iginiit ni President Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes.

Tinanongin ukol sa suhestiyon na dapat ay gumamit na rin ng water cannon ang mga sasakyang-pandagat sa pagganti sa panggigipit ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Naninindigan siya na walang balak ang bansa na paigtingin pa ang tensyon sa pinag-aagawang bahagi ng WPS.

BASAHIN: Delikado ang presyon ng water cannon ng China Coast Guard – PCG

Diin niya ipinaglalaban lamang ng mga Filipino ang sobereniya at karapatan ng Pilipinas sa WPS at hindi bahagi ng plano ang pagsasagawa ng opensiba.

Wala aniyang plano na patindihin pa ang tensyon sa rehiyon kayat hindi gaganti ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard ng “water cannon attack” laban sa mga barko ng China.

Dagdag pa ni Marcos na magpapatuloy ang Pilipinas sa paghahain ng mga diplomatic protest dahila sa sobrang agresibo ng China.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., PH-China relations, Ferdinand Marcos Jr., PH-China relations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.