Delikado ang presyon ng water cannon ng China Coast Guard – PCG

By Jan Escosio May 01, 2024 - 05:29 PM

PHOTO: Sa litratong ito na mula sa video ng Philippine Coast Guard, makikita ang BRP Bagacay na tinatamaan ng mga water cannon ng  Chinese Coast Guard malapit sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea. STORY: Delikado ang presyon ng water cannon ng China Coast Guard – PCG
Sa litratong ito na mula sa video ng Philippine Coast Guard, makikita ang BRP Bagacay na tinatamaan ng mga water cannon ng Chinese Coast Guard malapit sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea. (Litrato mula Agence France-Press)

MANILA, Philippines — Mahigit 200 pounds per square inch ang presyon ng pagsirit ng water cannon na ginagamit ng China Coast Guard (CCG) at makikita ito dun sa pagkabaluktot ng railing ng barko ng Philippine Coast Guard (PCG), ayon kay Commo. Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG ukol sa West Philippine Sea (WPS).

Huling ginamit ng CCG ang water cannon nitong Martes laban sa isang barko ng PCG habang nasa isang patrol mission kasama ang isang bangka ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

At inaasan ng PCG na hindi pa titigil ang ganitong pag-atake sa mga PCG sa WPS.

BASAHIN: PCG, BFAR vessels binomba ng water cannon ng China Coast Guard

“Itinaas pa lalo ng Chinese Coast Guard ang tensyon [WPS] at ang tindi ng agresyon nito laban sa mga coast guard vessel. Ito ang unang pagkakataon na pwede nating sabihin na diretsong tinutok ang water cannon na may ganoong kalakas ng presyon na nakapagdulot ng structural damage,” sabi ni Tarriela sa Ingles.

TAGS: PH-China relations, West Philippine Sea, PH-China relations, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.