Limang baril ni Apollo Quiboloy isinuko na sa PNP
METRO MANILA, Philippines — Hawak na ngayon ng Philippine National Police ang lima sa 19 na baril na nakarehistro kay Apollo Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KJC).
Sinabi ni PNP chief, na si Gen. Rommel Francisco Marbil, isinuko ang limang baril sa tanggapan ng PNP Civil Security Group (CSG) sa Davao Region nitong umaga ng Miyerkules matapos ipatupad ang notice of surrender.
Tiwala si Marbil na isusuko pa ng kampo ng pastor ang 14 pang baril sa mga darating na araw.
Noong Abril 26 inaprubahan ni Marbil ang rekomendasyon ng kanilang Firearms and Explosives Office (FEO) na kanselahin ang lahat ng mga permit ng mga baril ni Quiboloy.
Binigyan siya ng anim na buwan para isuko ang mga baril.
Ang pagbawi sa mga permit ni Quiboloy ay kaugnay sa ng kinahaharap niyang mga kasong child at sex abuse at qualified human trafficking.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.