METRO MANILA, Philippines — Inaresto ang apat katao matapos ang pagkakakumpiska ng higit P68.3 milyong halaga na Ecstasy sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang apat na suspek na sina Robert Trabi, 32, ng Cabanatuan City, Nueva Ecija: Sherill Gamba, 46 at Mark Bryan Gamba, 74, barangay kagawad, kapwa ng Tondo, Maynila; at Fabio Dalvanos, 36, ng Paranaque City.
Bago ito, nadiskubre ang 40,200 piraso ng Ecstasy tablets na idineklarang dog at cat food.
BASAHIN: P212-M halaga ng shabu nasabat ng BOC, PDEA sa Clark
BASAHIN: 3 taniman ng marijuana sa Pangasinan, sinalakay ng PDEA
Ang mga tabletas ay isinilid sa apat na vacuum-sealed plastic bags.
Nagmula sa Rotterdam, The Netherlands, ang parcel na pinaglagyan ng mga droga at nakapalangan sa isang Trebie Simon.
Mahaharap ang apat sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.