3 taniman ng marijuana sa Pangasinan, sinalakay ng PDEA
Tuluyan ng winasak ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nabunot na tanim na marijuana sa Aguilar, Pangasinan.
Tinataya na aabot sa 19,500 tanim na marijuana na mula sa tatlong taniman na may kabuuang sukat na 4,000 square meters ang winasak kahapon.
May dalawang menor-de-edad na pinaniniwalaang tagapag-alaga sa taniman ang inaresto at nasa kustodiya na sila ng social workers ng lokal na pamahalaan.
Nagkakahalaga naman ang winasak na marijuana ng P3.8 milyon.
Isinagawa ang operasyon base impormasyon mula sa dalawang lalaki na naunang naaresto at nakumpiskahan ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.4 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.