MANILA, Philippines — Hindi babawi ang Pilipinas sa China pamamagitan ng paggamit din ng water cannon, iginiit ni President Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes.
Tinanongin ukol sa suhestiyon na dapat ay gumamit na rin ng water cannon ang mga sasakyang-pandagat sa pagganti sa panggigipit ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Naninindigan siya na walang balak ang bansa na paigtingin pa ang tensyon sa pinag-aagawang bahagi ng WPS.
BASAHIN: Delikado ang presyon ng water cannon ng China Coast Guard – PCG
Diin niya ipinaglalaban lamang ng mga Filipino ang sobereniya at karapatan ng Pilipinas sa WPS at hindi bahagi ng plano ang pagsasagawa ng opensiba.
Wala aniyang plano na patindihin pa ang tensyon sa rehiyon kayat hindi gaganti ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard ng “water cannon attack” laban sa mga barko ng China.
Dagdag pa ni Marcos na magpapatuloy ang Pilipinas sa paghahain ng mga diplomatic protest dahila sa sobrang agresibo ng China.